Friday, December 12, 2008

...exam na!!!

malapit na!

hindi talaga ako makapaniwala,
tatlong buwan na ang lumipas
napakanilis ng panahon
tila isang oras lamang...

oktubre nagsimula ikalawang semester
ngayo'y disyembre na naman
bakasyon na inaasam ng lahat
abot-kamay na ng lahat...

bago bakasyo'y dumating
prelim, midterm at final exam
amin munang dadanasin
isang madugo na pagsusulit..

walang ibang hinahangad
kundi makapasa sa exam
makapasok sa butas ng karayom
basta't makapasa't makagradweyt..

aming prelim'y bilang na
ilang araw na lama'y dadanasin na
walang kawala ang lahat ng estudyante
upang christmass vacation ay kamtan..

Wednesday, December 10, 2008

...party nila...

.. nag-usap-usap lamang..

pinag-usapan lang namin ang tungkol sa gaganaping christmass party... ito ay gagabapin ngayong disyembre 18,2008.. ngunit hindi ako sasama dahil hindi naman kami nagchristmass dahil osa ako sa mga saksi ni Jehova,.. sinabi rin ni sir ang mga rekwarments sa prelim exam...

Monday, December 8, 2008

..nag-ulat..


..unang nag-ulat..


si Jennyline Cervantes na isa sa aking mga kamag-aral ang nag-ulat sa araw na ito na ibinigay sakanya ng aming guro... tungkol iyo sa panitikan at ang kahalagahan ng panitikan. naging maganda ang kanyang pagtalakay sapagkat naunawaan namin ito...

Friday, December 5, 2008

..bugtong..

... mga bikol na bugtong...

1. baston ni apo mo
pano nin kulugo..

---mais---

2. kapti an ikog ko
ta maladop ako..

---tabo---

3. bubon ko sa barisbisan
pano nin sundang..

--nguso--

4. bado nin agta
dai nababasa.

---katnga/natong--


5. saro an linaogan
tulo an linuwasan..

---bado---

Wednesday, December 3, 2008

..isang kapat na papel..

teSt??

nagulat kami sa sinabi ni Sir na kumuha ng isangkapat na papel... may teSt kami... di namin iyon inaakala dahil naging abala kami sa mga nagdaang panahon.. ngunit kahit kabado ang lahat, nakapasa naman ang lahat ng beed2.. ako ay nakakuha ng 12 sa test.. sinabi rin ni Sir ang mga kailangang isubmit bago ang prelim exam..

yeeeSSS!! paSado akOh!!


Monday, December 1, 2008

..disyembre na...

...simuLa na!!..

buwan ng disyembre'y magsisimula na
buwan ng nobyembre'y tapos na
isang buwan na naman ang lumipas
panaho'y napakabilos talaga...

sari-saring karanasan na naman
masaya man o malungkot
simula ulit ang sunod na yugto
yugto ng buhay ng lahat ng tao...

tanging hiling laman'y maging matagumpay
problema't pagsubok na dadanasin
ito ma'y sa paaralan o pamilya
sana'y makaya't maging matatag.....

Friday, November 28, 2008

...awaRding dAy..

AwArdinG oF winErS!!!

ngayong 4:00 ng umaga naghanda kami para sa pagaaward sa mga nanalo sa aming ginawang literary works competetion... talagang naging masaya ang mga nanalo.. si kuya Belen ang overall winner dahil talagang napakagaling ng kanyang ginawang tigsik at rawit-dawit...

keeP iT up!!!