Friday, December 12, 2008

...exam na!!!

malapit na!

hindi talaga ako makapaniwala,
tatlong buwan na ang lumipas
napakanilis ng panahon
tila isang oras lamang...

oktubre nagsimula ikalawang semester
ngayo'y disyembre na naman
bakasyon na inaasam ng lahat
abot-kamay na ng lahat...

bago bakasyo'y dumating
prelim, midterm at final exam
amin munang dadanasin
isang madugo na pagsusulit..

walang ibang hinahangad
kundi makapasa sa exam
makapasok sa butas ng karayom
basta't makapasa't makagradweyt..

aming prelim'y bilang na
ilang araw na lama'y dadanasin na
walang kawala ang lahat ng estudyante
upang christmass vacation ay kamtan..

Wednesday, December 10, 2008

...party nila...

.. nag-usap-usap lamang..

pinag-usapan lang namin ang tungkol sa gaganaping christmass party... ito ay gagabapin ngayong disyembre 18,2008.. ngunit hindi ako sasama dahil hindi naman kami nagchristmass dahil osa ako sa mga saksi ni Jehova,.. sinabi rin ni sir ang mga rekwarments sa prelim exam...

Monday, December 8, 2008

..nag-ulat..


..unang nag-ulat..


si Jennyline Cervantes na isa sa aking mga kamag-aral ang nag-ulat sa araw na ito na ibinigay sakanya ng aming guro... tungkol iyo sa panitikan at ang kahalagahan ng panitikan. naging maganda ang kanyang pagtalakay sapagkat naunawaan namin ito...

Friday, December 5, 2008

..bugtong..

... mga bikol na bugtong...

1. baston ni apo mo
pano nin kulugo..

---mais---

2. kapti an ikog ko
ta maladop ako..

---tabo---

3. bubon ko sa barisbisan
pano nin sundang..

--nguso--

4. bado nin agta
dai nababasa.

---katnga/natong--


5. saro an linaogan
tulo an linuwasan..

---bado---

Wednesday, December 3, 2008

..isang kapat na papel..

teSt??

nagulat kami sa sinabi ni Sir na kumuha ng isangkapat na papel... may teSt kami... di namin iyon inaakala dahil naging abala kami sa mga nagdaang panahon.. ngunit kahit kabado ang lahat, nakapasa naman ang lahat ng beed2.. ako ay nakakuha ng 12 sa test.. sinabi rin ni Sir ang mga kailangang isubmit bago ang prelim exam..

yeeeSSS!! paSado akOh!!


Monday, December 1, 2008

..disyembre na...

...simuLa na!!..

buwan ng disyembre'y magsisimula na
buwan ng nobyembre'y tapos na
isang buwan na naman ang lumipas
panaho'y napakabilos talaga...

sari-saring karanasan na naman
masaya man o malungkot
simula ulit ang sunod na yugto
yugto ng buhay ng lahat ng tao...

tanging hiling laman'y maging matagumpay
problema't pagsubok na dadanasin
ito ma'y sa paaralan o pamilya
sana'y makaya't maging matatag.....

Friday, November 28, 2008

...awaRding dAy..

AwArdinG oF winErS!!!

ngayong 4:00 ng umaga naghanda kami para sa pagaaward sa mga nanalo sa aming ginawang literary works competetion... talagang naging masaya ang mga nanalo.. si kuya Belen ang overall winner dahil talagang napakagaling ng kanyang ginawang tigsik at rawit-dawit...

keeP iT up!!!

Wednesday, November 26, 2008

...wEdnesday... Activity dAy..






activity dAy!!!


thiS is thE day... the moSt awaiting day.. hahaha.. preparation namin... as you can see in the pi
cture...

Monday, November 24, 2008

..ang pagsisimula...


pinAghahaNdaaN...

ngayong araw na ito ay pumunta kami sa mga room ng iba't ibang department kung saan sinasabi namin ang layunin ng aming literary contest at kung pano sila makakasali dito... talagang napakahirap makipag-usap sa unahan lalo na kung hindi mo kilala ang mga nakikinig... ngunit naging matagumpay naman ang lahat sapagkat natapos namin ito bago mag 12noon... salamat sa tulong ng aking mga kaklase....

tingnan nyo sa pic yung halimbawa ng rawit-dawit at ung sulat namin na ginamit upang makapasok sa mga room...
Sali kayo!!

Friday, November 21, 2008

.... bo0k weEk naMin...

SaLi nA kay0!!

SAAN: CSPS Naga Campus Library
SINO: lahat ng CSPCean na gustong sumali
KAILAN: Ika-24 hanggang 28 ng Nobyembre, 2008
ANO: "tigsik"- Bikol Poem Making
at BOOK SELING..
PAANO: ika-26 ng Nobyembre 2008 ay kukunin na ang mga entry
5.00Php ang Registration Fee..

Para sa iba pang impormasyon:
pumunta sa Education Building Room 207 BEED2

Wednesday, November 19, 2008

...ang pAghahaNda...



b0ok weEk!!

Gaya ng nangyari noong nakaraang talakayan, nagsimula ang lahat sa isang Trivia at News na inihanda ng aming mga kamag-aral. Hindi ngayon nag-ulat ang mga mag-uulat kundi nag-usap-usap lamang kami hinggil sa gaganaping Book Week ngayong nalalapit na linggo dahil ang BEEd2 ang tagapangasiwa ng gawaing ito at ito ay magsisilbing aming preliminary exam.

Kung makikita ninyo sa larawan, si Sir Irvin ay nagsusulat ng aming gagawin. Talagang gusto ni Sir na maging matagumpay ang aming gagawin.

Tungkol ito sa patimpalak sa paggawa ng tulang bikol at pagpapabili ng mga libro..


Kaya, BILI NA KAYO SAMIN NG LIBRO AT SALI KAYO SA PAGGAWA NG TULA.. AASAHAN NAMIN YAN... SALAMAT..

Monday, November 17, 2008

ahhh.. gAnun bA??

pAnitikAng FilipinO???

"Panitikang Filipino", yan ang naging topic namin sa araw na ito. Unang sinabi ng aming guro na may mali sa aklat na inilimbag na ginagamit namin bilang reperensiya, iyon ay ang salitang FILIPINO.. Ano nga darat ang kailangang ilagay dito?? Sabi ni Sir Irvin, PANITIKANG TAGALOG daw ang dapat, iyan din ang aking sagot.Bakit?? Sa kadahilanang sinabi niya na ang Tagalog daw ay ang orihinal na wika natin kug ihahalintulad sa aklat ito ay ang orihinal na aklat, hindi Xerox Copy.. Angkop lamang ito dahil ang pinag-aaralan namin ngayon ay hango sa mga sinaunang kaugalian o panitikan...

KOMENTO:
Kailangan palang saliksikin ang mga libro na ginagamit dahil hindi ito laging tama gaya ng inaasahan natin..

GALING MO SIR IRVIN, PINAHANGA MO NANAMAN KAMI...

PANITIKANG TAGALOG HINDI FILIPINO!!!

Friday, November 14, 2008

..ang pagbabalik..


NagsiMula ang Lahat!!

Biyernes, ika-14 ng Nobyembre, nagsimula ang lahat nang pumasok ang aming guro sa loob ng aming silid. Bago tumayo ang dalawang mag-uulat sa klase, dahil sa pinagkasunduan, magbibigay ng Trivia at news ang bawat nakaasign. Pagkatapos ng paglalahad, nag-ulat na ang aming dalawang kamag-aral na sina Robert Arrabis at Tifanny Bonito. Sari-saring gawain ang ginawa namin, isa na dito ay ang aming pagkanta ng iba't ibang kantang-bayan. Talagang, natuwa ang lahat ngunit si Sir Irvin ay hindi kumanta, sa susunod nalang daw.. AASAHAN NAMIN YAN...

ako baga ikos,
tukaw ako gilid
dae ako ano
pakol ako sigid
tagbang ako pantaw
suag ako orig
sakat ako kahoy
lamag ako amid...

Wednesday, November 12, 2008

-=unang aRaw!!=-

May bAgong gurO nA kaMi!!

"Dr. Elsa Durante is on-leave"!
'yan ang balitang natanggap
sakit ang pangunahing dahilan
kaya't pansamantalang lumisan..

isang buwang nagtiis
kaklase lamang ang nag-ulat
paksang iniwan ng aming butihing guro
'yan ang tinatalakay ng BEEd2..

ngunit sadyang nagbago ang lahat
ika-12 ng Nobyembre, 2008
biglang may pumasok sa aming silid
substitute daw siya, kanyang pakilala..

Kung titingna'y napakabata niya,
isang binatang Irvin ang pangalan,
kulay pula ang kanyang suot,
maporma't malinis ang damit na suot..

Unang sulyap masasabing siya'y mabait,
di naman katangkaran ang kanyang taas,
di rin naman katabaan ang kanyang katawan
sa maikli'y katamtaman at simple lamang..

BEEd ay sumaya ng siya'y makita
bagong guro ang nasabi sa isa't isa
may balitang nasagap mula sa DEAN
matalino't mabait aming bagong guro..

aaminin naming kami'y makulit
ngunit mabait pa man din kahit konti,
mapagmahal sa lahat ang aming tatak
ngunit ingay ang siya pa ding nangingibabaw..

tanging hiling sa aming matalinong guro
pasensiya't tiis ang ipakita saamin
upang matapos ang buong semester
lahat ay masaya't may alaalang ibabaon..

SIR IRVIN, WELCOME TO BEES2 FAMILY!!
Lambing mang po ung kakulitan namin at pagiging maingay...

Salamat pOh!!!