Wednesday, November 12, 2008

-=unang aRaw!!=-

May bAgong gurO nA kaMi!!

"Dr. Elsa Durante is on-leave"!
'yan ang balitang natanggap
sakit ang pangunahing dahilan
kaya't pansamantalang lumisan..

isang buwang nagtiis
kaklase lamang ang nag-ulat
paksang iniwan ng aming butihing guro
'yan ang tinatalakay ng BEEd2..

ngunit sadyang nagbago ang lahat
ika-12 ng Nobyembre, 2008
biglang may pumasok sa aming silid
substitute daw siya, kanyang pakilala..

Kung titingna'y napakabata niya,
isang binatang Irvin ang pangalan,
kulay pula ang kanyang suot,
maporma't malinis ang damit na suot..

Unang sulyap masasabing siya'y mabait,
di naman katangkaran ang kanyang taas,
di rin naman katabaan ang kanyang katawan
sa maikli'y katamtaman at simple lamang..

BEEd ay sumaya ng siya'y makita
bagong guro ang nasabi sa isa't isa
may balitang nasagap mula sa DEAN
matalino't mabait aming bagong guro..

aaminin naming kami'y makulit
ngunit mabait pa man din kahit konti,
mapagmahal sa lahat ang aming tatak
ngunit ingay ang siya pa ding nangingibabaw..

tanging hiling sa aming matalinong guro
pasensiya't tiis ang ipakita saamin
upang matapos ang buong semester
lahat ay masaya't may alaalang ibabaon..

SIR IRVIN, WELCOME TO BEES2 FAMILY!!
Lambing mang po ung kakulitan namin at pagiging maingay...

Salamat pOh!!!

No comments: